Taiwan (June 6, 2021)- Update hinggil sa bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa kumpanyang King Yuan Electronics Co. Ltd. (KYEC), pumalo na sa 195 ayon sa local news  na UDN.

Ayon sa ulat ay nasa 7,106 ang dumaan sa rapid testing na mga empleyado ng KYEC at sa kasalukuyan datus ay umabot na daw ito sa 195 ang nagpositibo na kinabibilangan ng mga Foreign workers at Taiwanese. At ang mga ito ay nadala na sa quarantine facilities ng gobyerno.

Samantala, nasa 1,343 namang mga empleyado ng Greatek Electronics Inc,  ang sumailalim sa pagsusuri kung saan 17 dito ang ang positibo sa COVID-19 ayon sa ulat. Nakatakda namang isalalim ang nasa 4,000 na empleyado ng nasabing kumpanya. Sa ngayon ay nadala na rin sa mga government facilities ang mga nagpositibo.

SOURCE: UDN