Taiwan (June 6, 2021)- Ang kumpanya ng Accton Technology Corp. ay isa mga tatlong kumpanya sa zhunan Township na nakakaranas ng COVID-19 Outbreak ayon sa Miaoli County Epidemic Command Center.

Biyernes ng magsimulang isailalim sa rapid testing ang mga empleyado ng Accton Technology Corp kung saan tinatayang nasa 1,500 na empleyado. Noong Biyernes ay nasa 202 ang sumailalim sa rapid test at 10 rito ang nagpositibo sa COVID-19.

Sa datus ng Miaoli County Epidemic Command Center, ay umabot na sa 10 ang kumpirmadong nagpositibo sa sakit at 9 dito ay pawang mga Overseas Filipino workers at isa naman ay isang Taiwanese.

sa ngayon ay nasa mga quarantine facilities na ang mga nagpositibo at nagkakaroon ng contact tracing ang ahensya.

 

SOURCE: UDN