Taiwan (June 7, 2021)- Kaninang umaga ay nagpulong ang Executive Yuan upang talakayin ang pagpalalawig ng COVID-19 Alert Level 3 sa buong bansa hanggang sa Hunyo 28, ayon sa local news na UDN

Ayon kay Executive Yuan Spokesperson Lo Ping-cheng (羅秉成), nagsagawa umano ng pulong kaninang umaga ang Executive Yuan sa pangunguna ni Premier Su Tseng-chang (蘇貞昌), kung saan tinalakay nila ang pagpapalawig ng Alert Level 3 hanggang sa Hunyo 28.

Dahil sa pagpapalawig ng Alert Level 3 ay inatasan ng Executive Yuan ang pagsuspende ng pasok sa mga paaralan sa lahat ng antas hanggang sa bakasyon ng summer.

Inatasan rin ang mga ibat-ibang ahensya na kumilos upang alalayan ang Central Epidemic Command Center sa pagpapatupad ng mga kaukulang regulasyon. Gayundin pinatutukan ang mga hakbang sa sektor ng migrant workers upang hindi na maulit ang nangyari gaya sa Zhunan Township.