Taiwan (June 11, 2021)- Bansang Taiwan nagtala ng 286 na mga bagong kaso ng COVID-29 at 24 na patay ngayong araw. Ayon sa Central Epidemic Command Center.

Ayon sa ahensya nasa 141 mga lalaki at 145 na babae na may edad 5 hanngang 90 ang mga bagong naitalang nagpositibo. Pinakamarami pa rin ang naitala sa New Taipei City kung saan 120 na bagon kaso ang naitala at sinundan ng Miaoli County na may 56 case at sumunod naman ay Taipei City na may 49 cases. At sa Taoyuan naman ay 19 cases ang naitala, 12 cases naman sa Hsinchu County, 8 cases sa Keelung City, 7 cases sa Changhua County, 4 cases sa Taichung City, at tig tatlo naman ang naitala sa Yunlin County at Hualien County, at isa naman sa Tainan City.

Samantala mga nabigyan ng bakuna sa bansang Taiwan ay umabot na sa 746,998 ayon sa datus ng CECC.