Taiwan (June 11, 2021)- Ngayong araw ang Miaoli County ay muling nagtala ng mataas na bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19, sumunod sa New Taipie City base sa datus ng CECC.

Ayon sa ahensya ay mataas pa rin ang bilang mula sa kumpanyanga KYEC kung saan 47 na mga migrant worker at isang Taiwanese ang mga nagpositibo ngayong araw. At sinundan naman ng Accton Corporation na may 5 Taiwanese at isang migrant worker ang nagpositibo. At Foxsemicon Integrated Technology Inc ay dalawang migrant workers ang ang nagpositibo.

Sa ngayon Chunan Township ang isa sa naging epicenter ng COVID-19 Outbreak sa Miaoli County kung saan kinabibilangan ng mga trabahante sa Electronics Industry. Sa KYEC ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo ay umabot na sa 264 at Greatek Electronics Inc., ay 20 katao ang nagpositibo. At nasa 41 naman ang naitala sa Accton Corporation, sa Foxsemicon Integrated Technology Inc. ay nasa 8 katao, sa Power Semiconductor Mfg. Co. Ltd ay nasa 2 ang naitala, at sa Taixin Biotechnology naman ay isa ang naitala.

Ayon sa ulat ng local ang media, ang populasyon ng Miaoli County ay tinatayang nasa 540,000 pero nasa 9,400 palang na bakuna ang naibigay na alokasyon ng Central Government para sa probinsya.

SOURCE: TVBS