Taiwan (June 11, 2021)- Muling niyanig ng magkakasunod na lindol ang Hualien County ngayon hapon ng 3:33 pm kung saan naitala ang magnitude 5.3 at sinundan ng magnitude 4.0 at 4.9 sa loob ng tatlong minuto ayon sa Central Weather Bureau (CWB).

Naitala naman ang epicenter na may layong 14.3 kilometro mula sa timog-kanlurang bahagi ng Haulien County Hall at may lalim na 11.2 km.

Naramdaman ang magnitude 5 sa Haulien County, Intensity 3 naman sa Nantuo County, Intensity 2 sa mga lugar ng Taichung City, Yilan County, Taitung County, Taoyuan City, Yunlin County, Changhua County, Miaoli County, Hsinchu County, at Chaiyi City. At Intensity 1 naman ang naitala sa mga lugar ng Chiayi County, New Taipei City, Hsinchu City, Tainan City, Taipei City, at Pingtung County.

Kaninang 1:12 at 1:14 ay niyanig rin ang Hualien County kung saan naitala ang Magnitude 5.0 at 4.3 ayon sa CWB.