Taiwan (June 11, 2021)- Dalawang magkasunod na lindol ang Yumanig sa Hualien County ngayong hapon kung saan naitala ang Magnitude 5 at 4.3 kaninang dakong 1:12 pm at 1:14 pm. Ayon sa Central Meteorological Bureau.

Naitala ang unang lindol kaninang 1:12 pm, at ang epicenter sa Shoufeng Township, Haulien County kung saan 13.2 kilometro ang layo mula timog-kanlurang bahagi g Haulien County Government. At may lalim na 11.2 kilometro sa scale na 5.0 ayon sa ahensya.

Naramdaman ang magnitude level 4 sa mga lugar ng Yanliao at Hualien City. At level 3 naman sa Nantou County at level 2 naman sa mga lugar ng Lishan sa Taichung City, Nanshan sa Yilan County, Changhua City at Douliu City ng Yunlin County.

Samantala ang pangalawang ay lindol dakong 1:14 pm at naitala ang epicenter 13.6 kilometro ang layo mula sa timog-kanlurang bahagi ng Hualien County Government. Naitala ang magnitude 4.3 sa bahagi pa rin ng Shoufeng Township.