Taipei, Taiwan (May 16, 2021)- Matapos batikusin ng ilang OFW ang anunsyo ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) kahapon kung saan itinigil nila ang lahat ng serbisyo sa gitna ng pagdeklara ng Central Epidemic Command Center (CECC).
Ngayong hapon ay nagpalabas ng Advisory Hotline ang MECO Taipei kung saan pwede tumawag ang mga OFW na may kailangan sa kanilang opisina.
Matatandaang kahapon ay nagpalabas ang embahada ng tigil serbisyo sa mga may appointment sa pagpapa-notaryo, pagpapa-renew at pagkuha ng passport pati ang mga sasadyain sa OAV, POLO/OWWA, SSS, at Pag-IBIG.