Taipei, Taiwan (May 16, 2021)- Isang Thai national ang sinasak ng kanyang katrabaho matapos itong maalimpungatan dahil sa ingay.

Patay kagabi ang isang Thai National na isang migrant worker sa Cidu District sa Keelung matapos umanong saksakin ng kanyang katrabaho na isa ring Thai national na nasa edad 55. Nangyari umano ang insidente ng dumating sa kanilang baraks ang biktima na maingay dahilan upang magising ang suspek.

Nabulahaw at naalimpungatan daw umano ang suspek kaya naman lumabas ito at kinumpronta ang katrabaho subalit sinapak at sinakal umano siya kaya naman pumasok ulit siya sa kwarto at doon ay kinuha niya ang patalim na nakatago sa ilalim ng higaan at pagkabalik ayinundayan ng saksak ang biktima sa dibdib.

Isinugod pa ng mga Firefighters sa ospital ang biktima subalit idineklara itong dead on arrival.



Paliwanag naman ng suspek, masama daw ang kanyang pakiramdam kaya nagpapahing siya subalit dumating itong ka trabaho niya na sobrang ingay bagay na nagpairita sa kanya.

Naabutan ng mga pulis ang crime scene kung saan bakas pa ang dugo at ang suspek na nakaupo sa gilid ng kanyang higaan, at ang kutsilyo na ginamit ay nasa tabi lang. May mga pasa rin sa mukha at paa ng suspek. Labi umano ang pagsisi ng suspek sa nangyaring krimen.

Ayon naman sa kanyang mga katrabaho, wala umanong mga alitan ang dalawa ang totoo pa niyan daw ay madalas umano kumain at mag-inuman ang dalawa.