Taipei, Taiwan (May 17, 2021)- Kinumpirma ng Hsinchu County Government na tatlo sa kanilang residente ang nagpositibo sa COVID-19 mula sa Zhubei, Hukou, at Xionglin.

Ayon sa Hsinchu County Government ang taga Zhubei City ay isang 50 years old na nagawi sa Wanhua District, ang pangalawa ay isang 6 na taong batang lalaki na nagaaral bilang kindergarten sa Hukou Township, at ang pangatlo ay isang 4 taong gulang na babae isang kindergarten rin sa may Xionglin Township.

Sinabi naman ni Hsinchu County Health Director Yin Dongcheng, na minominitor na nila ang naging galaw ng pasyente at nada 13 sa kanyang pamilya at kamaganak ay naka-isolate na.

Ang batang lalaki naman na mula sa Hukou Township ay may travel history mula Tainan at Kaohsiung, sa ngayon naka-monitor at naka-isolate na ang pamilya ng pasyente. Sarado na rin ang pinapasukang school ng nasabing bata. At tinatayang nasa 130 katao ang self monitoring.

Sa ngayon ay kontrolado na at naka-isolate na ang mga nakasalamuha ng tatlo ayon kay Doncheng.