Taipei, Taiwan (May 12, 2021)- Ayon sa Local Media ng Taiwan maari daw itaas ulit sa mataas na level ang alerto sa COVID-19, ngayong araw ng Myerkules.

Kung saan maari daw mauwi sa lockdown kung magkakaroon ng tatlong cluster ng Domestic cases sa loob ng isang linggo o 10 lokal na kaso ng COVID-19 sa isang araw.

Sa kasalukuyan nasa Level 2 ang alert sa COVID-19 ang bansa at maari daw itong magbago mamaya hapon sa gagawing presscon CECC.

Kapag itinaas na sa level 3 ang alarma ay magkakaroon umano ng panandaliang lockdown.

Sa sitwasyon ng Level 3 ay mandatory na ang lahat na magsuot ng face mask kapag lumalabas ng bahay, bawal na ang outdoor gathering ng 10 katao pataas at bawal na rin ang 5 katao pataas sa Indoor gathering.




Kapag ang lugar ay may positive sa COVID-19, pagbabawalan na ang mangapitbahay, mga paaralan ay pansamantalang isasara, at lahat ng Gathering ay bawal na.

Kapag nangyari ang pagtaas ng level, posible rin daw na tanging ang mga law enforcement, medical, government, at ibang essential services ang bukas.

Sa kasalukuyan ay nasa Level 2 ang alert ng COVID-19 ng bansa. Kung saan bawal ang outdoor gathering ng 500 pataas at 100 naman sa indoor gathering. Bawal na rin kumain at uminom sa mga pampublikong sasakyan. At bawal na rin sa susunod na araw ang mga nakatayo sa train.

Sa ngayon ay hindi pa rin tukoy ng ahenysa kung saan nagmula ang ibang lokal na kaso ng COVID-19 sa bansa kaya pinagiingat ang lahat.

Source: Focus Taiwan