Taipei, Taiwan (May 12, 2021)- Nagtala ng pinakamataas na bilang ng lokal na kaso ng COVID-19 ang bansang Taiwan ngayong araw kung saan umabot sa 16 ang nagpositibo. Ito na ang pinakaraming bilang simula ng magkapandemya ayon sa Central Epidemic Command Center (CECC).

Sa isinagawang presscon ng Ahensya ngayong hapon ng Myerkules, kinumpirma ng ahensya na 16 local case ng COVID-19 ang naitala at 4 naman ay imported case, na 3 dito ay mula Pilipinas at isa naman mula India. Ayon sa CECC.

Sa ngayon ay nanatili pa rin sa Level 2 ang alert ng COVID-19 sa bansa ngaunit ayon sa Kalihim ng Ministry of Health, maari daw itong umakyat sa mataas na lebel sa mga susunod na araw kung patuloy na tataas ang bilang ng domestic cases.