Taipei, Taiwan (May 11, 2021)- Dahil sa lumalalang lokal na kaso ng COVID-19 sa Taiwan, agad itinaas ngayong araw sa ikalawang alarma ng Central Epidemic Command Center (CECC) ang bansa.

Simula Mayo 15, ay bawal na ang mga nakatayo sa loob ng mga Train o sa THSR, bawal na rin kumain at uminom sa loob ng mga pambulikong sasakyan gaya ng mga bus at train.



Bawal na rin ang mga Outdoor gathering na may 500 pataas at indoor gathering na may 100 pataas. Pero kung ang event organizer naman ay merong mga magandang regulasyon tulad ng partition sa upuan, at pag-record ng mga dumalo, temperature checked, face mask, at pagbabawal ng pagkain at pag-inom ay maari humingi ng approval sa lokal na awtoridad.