MANILA (June 7, 2021) – Sa isang pahayag galing kay dating Defense Secretary Gilbert Teodoro noong Lunes, Si Mayor Sara Duterte-Carpio ay magiging isang mabuting pangulo ng bansa kung ito ay tuluyang tatakbo ngayong halalan 2022. Dahil na rin sa ipinakitang maayos na pamamalakad ni Mayor Sarah sa Davao City ay lubos ang paghanga ng dating kahilim sa kanya.
Sinabi pa sa isang pahayag ng dating kalihim na, mayroong magaling na abilidad si Sara Duterte na naaayon na maging isang pangulo ng bansa. Naniniwala siya na dahil sa karanasan ni Sara sa pamahalaan ay mapag-iisa niya ang mga Pilipino at maibibigay ang mga pangangailangan ng mamamayan gaya na rin sa pamamalakad nito sa Davao City.
Kung tuluyang tatakbo si Mayor Sara Duterte sa pagkapangulo ng bansa ay handa ang dating kalihim na maging kaalyado nito sa pagtakbo bilang pangalawang pangulo.
Gayon pa man, kahit nalalapit na ang halalan sa susunod na taon ay nakapokus pa rin ang bansa sa paglaban sa COVID-19. Ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng kanilang makakaya upang matugunan ang pangangailangan ng mamamayan sa bakuna upang malutas na ang suliranin at maibalik na ang maayos na ekonomiya ng bansa.