MANILA (June 7, 2021)- Isang 2 taong gulang na bata ang namatay matapos itong mahulog sa 20 feet na lalim na balon sa kanilang tirahan sa Mariveles, Bataan.

Ang dahilan umano ng pagkahulog ay sumunod ang bata sa amo nito papunta noon sa trabaho. Wala namang kaalam-alam ang mga magulang ng bata sa ginawa nito. Sa kasamaang palad ay dumaan ang bata sa ibabaw ng balon na natatakpan ng luma at marupok na plywood at doon ito nahulog at namatay.

Pinapaalalahanan ang lahat na dapat magkaroon ng maayos na takip kung nagmamay-ari man ng isang balon upang maiwasan ang disgrasya

.