Taiwan (June 3, 2021)- Muling nagtala ng 34 na mga bagong kaso ng COVID-19 ang Miaoli County ayon sa Central Epidemic Command Center (CECC).
Ayon sa ahensya, 32 sa mga nagpositibo ay mula sa kumpanya ng King Yuan Electronics Co. Ltd. (KYEC), kung saan pawang mga Overseas Filipino Workers.
Ngayong araw ay nagsagawa ng COVID-19 mass testing ang kumpanya kung saan 7,300 na mga empleyado ang nakatakdang sumailalim sa pagsusuri.
Ayon sa CECC, kaninang umaga sa 368 na empleyadong kanilang sinuri ay 8 ang nagpositibo sa COVID-19. Tinatayang namang lalagpas sa 2,000 ang kanilang masusuri.
Ngayong araw ay nagtala ng 34 na kaso ng COVID-19 ang Miaoli County kung saan 32 dito ay mula sa KYEC. Sa kabuuan ay umabot na sa 45 ang mga kaso ng COVID-19 Outbreak sa nasabing kumpanya.