Taiwan (June 3, 2021)- Dahil sa naganap na outbreak sa kumpanya ay humingi ng saklolo ang pamunuan ng King Yuan Electronics Co. Ltd. (KYEC) sa Central Epidemic Command Center (CECC) upang labanan ang pagkalat pa ng COVID-19.

Ngayong araw ay sumasailalim sa “Mass testing” ang nasa 7,300 na mga empleyado ng KYEC Chunan. Ito para masiguro ang kaligtasan ng bawat isa at pag-igtingin pa ang Health Protocol sa kumpanya.

Matatandaang kahapon ay 12 ang nadagdag sa mga positibo mula sa kumpanya ng KYEC. At kasalukuyan ay may mga naka-quarantine ito sa dormitoryo ng Zaoqiao Township.