Taiwan (June 3, 2021)- Kaso ng COVID-19 sa bansa hindi bumababa dahil ngayong araw ay nagtala ng 583 na mga bagong kaso kasama na ang backlog ayon sa Central Epidemic Command Center (CECC).

Ayon sa ahensya ngayong araw ay nagtala ng 364 na local case at 219 na backlog. At nagtala rin ng 17 namatay ngayong araw.

Naitala ang mga bagong kaso sa New Taipei City na may 265 cases, sinundan ng Taipei City 224 cases, Miaoli County 34 cases, Taoyuan City 30 cases, Changhua County 15 cases, Taichung City 5 cases, Keelung City 5 cases, Tainan City 2 cases. Samantala ang Hsinchu City, Hualien County, Yilan County, at Kaohsiung City at tig-isa.