Taipei, Taiwan (May 11, 2021)- Itinaas na ng bansang Taiwan sa ikalawang level ang alarma ng COVID-19 dahil sa tumataas na bilang ng lokal na kaso, kung saan hindi pa tukoy kung saan nagmula ang mga ito. Ayon sa Central Epidemic Command Center (CECC).
Sa isinagawang presscon ngayong hapon ng ahensya, Kaagad ipapatupad at epektibo ngayong araw hanggang Hunyo 8, 2021 ang mga bagong polisiya hinggil sa ideneklarang Alert level 2. Simula ngayong araw ay mas mahigpit na regulasyon ang ipapatupad sa mga Outing, gathering, at mga Public Transportation.
Ngayong araw ay nakapagtala ang bansang Taiwan ng pitong (7) lokal na kaso ng COVID-19 at ang isa rito ay iniuugnay sa China Airline at Novotel Airport Hotel Cluster. At lima (5) sa kanila ang hindi pa tukoy ang pinagmulan ng sakit.
Sa kabuuan ay mayroong 1,210 na kaso ng COVID-19 ang Taiwan, 1,052 ay mga imported na kaso, 12 naman ang naitalang namatay, at 1,093 naman ang mga gumaling. Sa kasalukuyan ay nasa 105 pa ang mga nagpapagaling.