TITLE: MAGSIKAP AT MAGPUNYAGI
PASIMULA: Sa tuwing makikita natin ang mga magaganda at naglalakihang mga bahay ay laging nasa isip natin na, sana magkaroon din ako ng ganyang bahay. Iniisip panga natin minsan na swerte nman nila.
Sa katunayan lahat nman tayo ay may kakayahan at may magagawa tulad nang sa kanila. Nakakalungkot lang isipin na Madalas pinapairal sa sarili na ito lang ako, hindi ko magagawa iyan.
BAGAY NA DAPAT MALAMAN
●Sa antas ng pamumuhay hindi basihan ang katayuan sa buhay, nakapagtapos kaman ng pag-aaral o hindi. Ang katugunan sa lahat ng ating pangangailangan material, ay kung papaano tayo kumilos o gumawa.
●Kapag ibinigay mo lahat ng makakaya mo naging masipag ka masinop sa lahat, tiyak na matatamo mo ang inaasam ng marami. Kapag pagod, puyat, at talino ang ipinuhunan mo aani din ng kasaganaan. Lagi nating tatandaan na kapag may sipag at paninidigan may tatamuhin na gantimpala. At mas lalong makapangyayari ang lahat ng ito kung hahayaan mong si Lord ang siyang mag aalaga sayo. Ibig sabihin sa kanya mo ibibigay lahat nang mga gagawin mo upang samahan ka sa lahat ng panahon.
Isang magandang pagninilay at gabay mula kay
† Pastor Anthony Mabini
OFWs Spiritual Guidance Councilor
Para sa karagdagang impormasyon maari po bisitahin ang kanyang Facebook Page Account https://www.facebook.com/OFWsSpiritualGuidanceCouncilor