6 TIPS PARA MATAKOT ANG LALAKI NA MAWALA KA SA PILING NILA

Sa isang relasyon ng mag-asawa natural lamang ang pagkakaroon minsan ng hindi pagkakaunawaan.Dumarating sa punto na parang tumatamlay ang pakikitungo niyo sa isat-isa.Minsan pag hindi talaga naagapan o napag-usapan ng masinsinan,maaaring humantong ito sa paghihiwalay niyong mag-asawa na walang mas ibang maaaring maapektuhan kundi ang mga anak ninyo.May mga pagkakataon din kasi na tini take for granted ng mga lalaki ang kahinaan ng mga babae.Sa panahon ngayon hindi lang iilan kundi marami rami narin ang mga babaeng naabuso ng kanilang mga asawa.
Ang susunod na mga tips ay proven and effective na makakatulong ng malaki para sa mga babae upang matakot ang mga lalaki na mawala ka sa buhay nila.

1.) Huwag magpakatanga
Mahalin una ang sarili at siguradong mamahalin mo lahat ng nakapaligid sayo.Bilang babae normal lang ang pagiging mapanuri at mausisa in a way na hindi naman masasakal si Mr.Kapag dumating sa punto na si Mr.ay hindi nakapagtimpi at pumasok sa kweba ng iba,normal lang po na magalit, pero kasabay noon isipin mo rin na baka may pagkukulang karin at nahanap niya yon sa iba at tuluyan siyang nadarang sa apoy ng kasalanan.Maaaring bigyan mo pa ng isa pang pagkakataon ang asawa mo magtiwala ulit pero pag paulit ulit paring gawin niya ang bagay na iyon ay ‘te “huwag maging tanga.”

2.) Huwag magpabaya sa sarili
Hindi lang noong mga panahong wala kapang asawa ang pagiging maayos at maalaga mo sa sarili mo.Higit dapat ngayong may asawa na maging malinis at kakit akit ka pra sa asawa mo ng sa gayon ay maging proud at lalong ma inlove ang asawa mo sayo.Mag paparlor paminsan minsan,mag gym o mag unwind din para ma relax.Dahil isa sa dahilan kong bakit minsan nawawalan na ng gana sayo ang asawa mo eh sa kadahilanang losyang kana.Kaya dapat always be beautiful and blooming.Ipakita mo na kahit may asawa kana at may mga anak na eh marami parin ang napapalingon na mga lalaki o nagkakagusto sayo sa puntong ito matatakot ang asawa mo na maagaw kapa ng iba.

3.) Huwag masyadong clingy
Cute sa una kasi pakiramdam mo mahal na mahal niyo ang isat isa kaya lahat naka monitor dapat kong saan siya pupunta,sino ang mga kasama mo at kong ano ang ginagawa ninyo minsan nga nagdedemaand kapa ng proof tulad ng pictures or naka video call kapa talaga yong tipong duda ka na baka naman iba na ang ginagawa niya.Pero dear sa katagalan ayaw ng mga lalaki na ninanag sila lagi ng mga asawa nila.Give him space and privacy paminsan minsan.Ibigay mo ang 95% na tiwala mo sa kanya believe me lalao kang mamahalin ng asawa mo.

4.) Bigyan ng time sa sarili nia
Minsan gusto din lumabas ng mga lalaki na iba naman ang makasama nila halimbawa mga kaibigan nila ng sa ganun ay maiba naman ang environment nila at makapag relax naman sa stress sa trabaho.Let him do such things na sa palagay mo ay pansamantala niyang makalimutan ang pressure at stress sa buhay.Hayaan mo siyang gawin ang ibang bagay na makakapag pasaya sa kanya tutal eh paminsan minsan lang naman.Ibigay mo ang suporta mo sa kanya na ok lang na mag-enjoy siya maniwala ka magiging ok kayong dalawa dahil nagkakaintindihan at nauunawaan niyo ang isat-isa give and take ika nga.

5.) Habaan mo ang pasensya
Karamihan sa mga lalaki ay talaga namang mainitin ang mga ulo o yong may volcanic temper na tianatawag minsan masarap sa pakiramdam nila yong hindi mo sinasabayan ang galit niya na cool kalang.Gustong gusto ng mga lalaki na pasensyosa ang mga asawa nila cool under pressure ika nga kasi iba yong pakiramdam na may sense of superiority parin ang lalaki in a good way but not to the extent na magkakasakitan kayo parehas verbally,emotionally or worse physically.Kapag humupa naman ang galit magiging ok din ang lahat.Kapag ganito ka sa asawa mo,believe me daig pa niya ang tumama sa lotto sayo at lalo kang mamahalin ng asawa mo.

6.) Huwag ibigay ang lahat
Magtira din para sa sarili ipakita mo na hindi lang siya ang may bayag sa mundo na kaya mong ipagpalit siya anumang oras pag hindi siya tumino this way matatakot ang asawa mo na baka nga iwanan mo siya at mkahanap ka ng iba.

Ito ay iilang lang sa napakaraming helpful tips na puwedeng gawin ng mga babae at siguarado akong pag i-napply niyo ito sa inyong mga asawa, ay tiyak naman na magkakandarapa si Mr at matatakot siyang mawala ka sa piling niya at natitiyak ko na lalong iigting ang desire o pagmamahal ng asawa mo sayo.