Taiwan (June 29, 2021)- Plano ngayon ng Workforce Development Agency ng Ministry of Labor na bigyan ng NT$10,000 subsidy ang mga manggagawang naapektuhan ng COVID-19 Alert level 3, ayon sa ulat ng ETtoday

Plano umano ng ahensya ng bigyan subsidy sa halagang NT$10,000 ang mga mangagawa na may Insurance salary na NT$24,000 pataas kada buwan at ito’y ilalaan umano sa mga lubhang naapektuhan ng pandemya. Sa ngayon ay under discussion pa umano ang nasabing plano at inaasahan namang ilulunsad bago tanggalin ang COVID-19 alert level 3 sa bansa.

Ayon sa ahensya ay kaagad nilang ipapaalam sa publiko kapag natapos na ang kanilang talakayan hinggil sa plano.