Taiwan (August 9, 2021)- Bansang Taiwan nagtala ng walong kaso ng COVID-19 base sa bagong datus na inilabas ng Central Epidemic Command Center (CECC).
Ayon kay Health Minister at CECC Head Chen Shizhong, ang bansa ay nagtala ng apat na kasong lokal at apat na imported na kaso mula sa mga bansang Malaysia, at United States. At apat naman ang naitalang nasawi dahil sa COVID-19.
Naitala ang mga bagong lokal na kaso sa Taipei City kung saan dalawang naitala. At tig-isa naman sa New Taipei City at Kaohsiung City.
Samantala inihayag rin ng Command Center na nasa 13,096 mula sa kabuuang 14,576 na kumpirmadong kaso mula sa buwan ng Mayo 11 hanggang Agosto 7, ang nakalabas na sa mga quarantine facilities
Sa kabuuang datus ng COVID-19 sa bansa ay umakyat na 15,790 kung saan 1,294 ay mga imported cases at nasa 14,443 naman ay mga local cases. At ang kabuuang bilang ng namatay ay pumalo na sa 813 kung saan 805 rito ay pawang mga local cases.