Taiwan (June 6, 2021)- Ngayong araw Linggo ay lalo pang lumubo sa mahigit 10,000 ang mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansang Taiwan ayon sa Central Epidemic Command Center (CECC).
Ayon kay Health Minister and CECC Head Chen Shizhong, ngayong araw ay nagtala ng 335 na mga local cases kung saan 189 ay mga lalaki at 146 naman ay mga babae. At nasa 8 naman ang naitalang backlog. Samantala ang mga bagong pasyente ay naglalaro mula sa edad 5 hanggang 90. At nagtala naman ng 36 na patay ang bansa ngayong araw dahil sa COVID-19.
Ang mga bagong kaso ay naitala pa rin ang pinakamarami sa New Taipei city kung saan 160 cases ang naitala, at sinundan ito ng Miaoli County na may 75 cases na karamihan ay mga foreign workers. At sinundan naman ng Taipei kung saan 64 cases ang naitala. At sa Taoyuan naman ay nagtala ng 16 cases, at Yilan County 9 cases. Ang Yunlin County, Kaohsiung City, at Changhua County naman ay nagtala ng tig-tatlo kaso. Samantala ang Keelung City, Taichung City at Tainan city ay tig-dalawa ang naitala, at sinundan naman ng Chiayi City na isang kaso ang naitala.