Taiwan (July 6, 2021)- Magandang balita ang hatid ng Central Epidemic Command Center (CECC) ng bansang Taiwan, dahil ngayong araw ay nagtala lamang ng 27 na mga bagong local case ang bansa, base sa bagong datus na inilabas ngayong hapon.
Ayon kay Health Minister at CECC Head Chen Shizhong, nagtala ang bansa ng 27 local case at 2 naman ay imported case. At 17 ang naitalang namatay. At samantala isa sa mga nagdagdag sa local case ay Delta variant ma sa Pingtung County
Naitala ang mga bagong kaso sa Taipei City 14 na kaso, sinundan ng New Taipei City na may 11 kaso, Isa sa Pingtung County at isa naman sa Changhua County.
Matatandaang kahapon ay nagtala na lamang ang bansa ng 28 na lokal na kaso, at makikita sa kanilang datus na patuloy ang pagbaba ng mga magkakaroon ng COVID-19 sa bansa. Kaya marami ang umaasa sa na July 12 ay baba na ang alert level 3 sa bansa.
Samantala sa Inanunsyo ng ahensya, na 80.8% ng mga nagpositibo sa COVID-19 ay gumaling na at nasa 11,180 naman ang mga nakalabas na ng quarantine facilities.
Kabuuang datus ng CECC ay pumalo na sa 15,088 ang mga nagpositibo kung saan nasa 1,189 ay imported case at nasa 13,846 naman ang local case. At kabuuang bilang namatay sa dahil sa COVID-19 ay pumalo nasa 706 katao.