People wear face masks to protect against the spread of the coronavirus as they pray at the Longshan Temple in Taipei, Taiwan, on Thursday. Taiwan has reported a relatively low number of cases of the virus despite its proximity to China, where the virus was first detected.

Taiwan (July 8, 2021)- Maagang naganunsyo ang Central Epidemic Command Center (CECC) hinggil sa pagpapalawig ng pagpapatupad ng COVID-19 Alert level 3 sa bansa hanggang sa July 26. Matatandaang nakatakda sanang magtapos ang Alert level 3 ngayong darating na July 12.

Sa kabila ng pagpapalawig ng Alert level 3 ay bahagya naman bubuksan ang “Dine in” sa mga restaurant, pero kailangan ay mahigpit na susunod sa panuntunan ang mga Establishments tulad ng partitions sa mga mesa, contact tracing, crowd control. Samantala ang mga scenic spots, parks, at exhibition venues ay magiging bukas na sa July 13, ngunit dapat mahigpit na susunod sa probisyon ng Health Protocol.

Bahagya rin bubuksan ang mga sinehan, at mga religious places ngunit mananatili pa rin sarado sa publiko ang mga “leisure places” tulad ng mga swimming pool, mga wawaan at iba pa.