Taiwan (August 3, 2021)- Bansang Taiwan nagtala ng labing siyam kaso ng COVID-19 base sa bagong datus na inilabas ng Central Epidemic Command Center (CECC).
Ayon kay Health Minister at CECC Head Chen Shizhong, ang bansa ay nagtala ng labing anim lokal na kaso at tatlong imported na kaso mula sa mga bansang Pilipinas, Malaysia at Russia. At dalawa naman ang naitalang nasawi dahil sa COVID-19.
Naitala ang mga bagong lokal na kaso sa New Taipei City kung saan sampu ang naitala, sinundan ng Taipei City na may apat na kaso, at Chiayi County na may dalawang kaso
Samantala inihayag rin ng Command Center kahapon na nasa 12,884 mula sa kabuuang 14,475 na kumpirmadong kaso mula sa buwan ng Mayo 11 hanggang Hulyo 31 ang nakalabas na sa mga quarantine facilities
Sa kabuuang datus ng COVID-19 sa bansa ay umakyat na 15,707 kung saan 1,274 ay mga imported cases at nasa 14,394 naman ay mga local cases. At kabuuang bilang ng namatay ay pumalo na sa 791 kung saan 783 rito ay pawang mga local cases.