Pilipinas (August 3, 2021)- Sa isinagawang survey ng OCTA’s Tugon ng Masa National Survey mula July 12 hanggang July 18, ay nangunguna pa rin ang Mag-amang Duterte sa Presidential at Vice Presidential position kung saan 28% ay suportado ang mga ito.

Sinundan naman ni Sen. Ferdinand “Bong Bong” Marcos Jr. kung saan nakakuha ito ng 13% , at Mayor Isko Moreno nakakuha ng 11%. At si Sen. Grace Poe at Manny Pacquiao ay nakakuha ng 10% sa survey.

Samantala sina Vice President Leni Robredo, Taguig-Pateros Representative Alan Peter Cayetano, at Senator Christopher “Bong” Go ay nakakuha ng 5%; Senate President Vicente Sotto III ay 3%; Senator Panfilo Lacson ay 2%; former vice president Jejomar Binay ay 2%, at Senator Richard Gordon at former Senator Antonio Trillanes ay nakakuha ng 1%.