Taiwan (August 2, 2021)- Bansang Taiwan nagtala ng labing apat kaso ng COVID-19 base sa bagong datus na inilabas ng Central Epidemic Command Center (CECC).
Ayon kay Health Minister at CECC Head Chen Shizhong, ang bansa ay nagtala ng labing dalawang lokal na kaso at dalawang imported na kaso na mula Thailand at United States, at wala namang naitalang nasawi dahil sa COVID-19.
Naitala ang mga bagong kaso sa Taoyuan City kung saan limang kaso ang naitala, New Taipei City na may tatlong kaso, at Taipei City ay naman ay dalawang kaso. At ang mga lugar ng Keelung City at Kaoshiung City ay nagtala ng tig-isang kaso.
Samantala inihayag rin ng Command Center na nasa 12,884 mula sa kabuuang 14,475 na kumpirmadong kaso mula sa buwan ng Mayo 11 hanggang Hulyo 31 ang nakalabas na sa mga quarantine facilities
Sa kabuuang datus ng COVID-19 sa bansa ay umakyat na 15,688 kung saan 1,271 ay mga imported cases at nasa 14,378 naman ay mga local cases. At kabuuang bilang ng namatay ay pumalo na sa 789 kung saan 781 rito ay pawang mga local cases.