Pilipinas (August 2, 2021)- Update hinggil sa bilang ng COVID-19 ngayong araw sa Pilipinas, sa inilabas na datus ng Department of Health ngayong araw ay nagtala ang bansa ng 8,167 na mga bagong kaso.

Ayon sa DOH ito na ang ika-apat na araw kung saan ang bansa ay nakakapagtala ng mahigpit walong libong mga kaso araw-araw.

Sa talaan ng Department of Health ngayong araw ay nasa 62,615 ang mga active cases ng bansa. At nasa 9,095 naman ang mga bagong naitalang gumaling. Samantala nasa 77 naman ang naitalang namatay.

Sa kabuuang datus ng COVID-19 sa Pilipinas ay umabot na sa 1,605,762 kung saan 62,615 ay active cases pa at pumalo naman sa 28,093 ang kabuuang bilang ng namatay base sa datus ng DOH.