Pagod ka na ba? Pakiramdam mo ba ay ubos na ubos ka na? Ayos lang ‘yan, walang mali sa nararamdaman mo. Kapatid, hindi masama at normal na makaramdam ng pagod sapagkat tayo’y tao lamang.
Ang lakas ng tao ay may limitasyon. Hindi lahat ng pagkakataon nananatili itong matatag at malakas. Nakakalungkot mang aminin tayo ay nanghihina rin sapagkat may hangganan ang ating lakas at kakayahan. Ngunit kadalasan tayo ay nagiging mapagpanggap sa ating nararamdaman. May pagkakataon na kahit sukong-suko at hinang-hina ka na, pilit mong ipinapakita na kaya mo pa.
Maaaring dumaranas ka ngayon ng matinding problema, at nakakaramdam ka ng matinding lungkot at pangungulila. May mensahe ang Diyos para sayo, ” Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at lubhang nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan.” ( Mateo 11:28 )
••Alam ng Diyos ang iyong sitwasyon. Nararamdaman niyang pagod ka na. Kaya, lumapit ka na sa kanya at mamahinga sa kanyang presensiya.
•• Sa Diyos ka humugot ng lakas. Hayaan mong samahan ka at tulungan ng Diyos upang dalhin ang iyong mga pasanin.
••Kung hindi ka magpapahinga mas lalo kang mapapagod at mauubos.
LAGING ALALAHANIN…
*Ang Diyos lamang ang makapag-bibigay ng mga bagay na hindi kayang ibigay sayo ng sinuman, tulad ng kapahingahan. Sa piling niya lamang mararanasan ang tunay na kapahingahan.
Isang magandang pagninilay at gabay mula kay
† Pastor Anthony Mabini
OFWs Spiritual Guidance Councilor
Para sa karagdagang impormasyon maari po bisitahin ang kanyang Facebook Page Account https://www.facebook.com/OFWsSpiritualGuidanceCouncilor