“Hanggat ang buhay natin ay walang karanasan sa larangan ng pakikipagtunggali, hindi nating masasabing isa tayo sa mga nakakaranas ng kalungkutan..
PASIMULA: Ang buhay sa mundong ibabaw ay puno ng pakikibaka. Pakikibaka para matugunan ang pangangailangan ng Pamilya.
Ngunit sadyang kay hirap ng panahon, lalo pat tayo’y humaharap sa matitinding pagsubok.
Katotohanan na dapat nating malaman na ang mundong ito ay puno ng pag-iimbot,pandaraya, at kasakiman.
PAPAANO BA TAYO MAKAKAIWAS SA BANTA NG PANAHON?
[]—MAGTIWALA KA SA DIYOS
ANG SABI NG BIBLIA.”Ipagkatiwala mo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay, sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.”
( 1-Pedro 5:7)
●»Sa ating araw araw na buhay hindi lahat ng panahon tayo ay nagiging masaya, katunayan tayo talaga ay humaharap sa mga matitinding pagsubok. Na humahantong sa matinding kalungkutan
※BAGAY NA DAPAT NATING MALAMAN
●»Na may Diyos na nakakakita sa lahat ng ating mga pinagdadaanan.
●»Wag po nating hahayaan na matalo tayo ng mga alalahanin, lalo na’t tayo minsan ang inaasahan sa ating Pamilya.
●»Hindi kaduwagan ang pag iyak lalo na kung sa Diyos mo iniiyak. Hindi kaylan man natutulog ang Diyos na hindi niya nakikita ang iyong paghihirap.
Yun ang dahilan kung bakit ka ngayon nahihirapan o nabibigatan lubha. Sapagkat nais ng Diyos na ipakita niya sayo kung gaano siya kabuti sa buhay mo ngayon.
●»Wag kang sumuko wag kang mawawalan ng pag-asa. Hangga’t may buhay tayo, asahan natin ang hindi masukat na pagpapala ng Diyos sa ating mga buhay.
●»At kapag na ipagkatiwala na natin sa Diyos ang lahat ng ating mga nararanasan,
Asahan natin na makakamit natin ang inaasam na TAGUMPAY SA GITNA NG KALUNGKUTAN sa tulong ng ating PANGINOON.
Isang magandang pagninilay at gabay mula kay
† Pastor Anthony Mabini
OFWs Spiritual Guidance Councilor
Para sa karagdagang impormasyon maari po bisitahin ang kanyang Facebook Page Account https://www.facebook.com/OFWsSpiritualGuidanceCouncilor