“Sapagkat mula sa kanya at sa pamamagitan niya, at sa kanya ang lahat ng bagay.
Sa kanya ang karangalan magpakailanman.”
(Roma 11:36)
PASIMULA: Ang lahat ay para sa kanya, ang pinakapangunahing layunin ng Diyos kung bakit tayo nakakaranas ng ibat ibang suliranin, ay para ipakita niya sa atin na hindi nating magagawa ang lahat sa pamamagitan lamang ng sariling lakas o kakayahan.
●»Maraming katanungan ang mga syensiya na bumubuo na kung saan, pilit nilang binubusisi kung bakit ganon.
MGA KATANUNGAN
●Hindi nman akong masamang tao bakit ako nakakaranas ng ganito.
●Madami namang masasama ang loob na puweding sila ang magdanas.
BAGAY NA DAPAT MALAMAN
[]- GINAWA NG DIYOS ANG BAWAT BAGAY DAHIL SA LAYUNIN NITO
●»Ang totoo kung bakit may mga pangyayaring nagaganap tulad ng iyong nararanasan ngayon, ay dahil sa kapahintulutan ng Diyos.
●»Kaya hindi nating puweding sabihin na, hindi ito dapat nangyayari sakin.
●»Sapagkat ang bawat bagay na nangyayari ay ukol sa kanyang mga layunin.
●»Layunin ng Diyos na tayo ay kanyang magabayan. Sa lahat ng panahon, anu man ang iyong ginagawa. Nais niya na maging managana tayo sa larangan ng pamumuhay.
TULAD NG:
●Magkaroon ng kaayusan ang buhay sa araw araw.
●Magkaruon ng tamang direksyon ang buhay natin.
●Maging matatag sa lahat ng panahon.
●»Ang mabuhay para sa kaluwalhatian ng Diyos ay ang pinakadakilang bagay na puwede nating magawa sa ating buhay.
※> Nawa’y patuloy tayong magkaroon ng pakikipag’ugnayan sa Diyos upang patuloy nating maranasan ang kanyang kagandahan.kagandahan na magdadala sa atin, tungo sa buhay na ating inaasam.
Isang magandang pagninilay at gabay mula kay
† Pastor Anthony Mabini
OFWs Spiritual Guidance Councilor
Para sa karagdagang impormasyon maari po bisitahin ang kanyang Facebook Page Account https://www.facebook.com/OFWsSpiritualGuidanceCouncilor