Lahat tayo ay may kanya kanyang kakayahan na pwedi nating magawa saan man nating naisin.lalo’t higit sa tulong ng makabagong teknolohiya, na malaki ang nai-aambag para mas lalong magamit yong kakayahan natin.
Ang pinaka-pangunahin sa lahat bakit tayo’y may kanya kanyang kakayahan,dahilan sa biyaya ng Diyos.lahat ng bagay dito sa mundo ay pag-aari niya. Nararapat lamang na siya’y paglingkuran o pasalamatan sa lahat ng kanyang mga gawa.
Hinubog niya tayo para sa isang layunin, layunin kung saan magagamit natin, lalo na sa Pamilya,tayo ay hinubog ng kanyang layunin.
Ang pinakamahusay na paggamit ng kakayahan mo ay ang pagtitiwala mo sa Diyos, ayon sa pagkahugis niya sayo.
Kapag sinubukan mong magtiwala sa Diyos asahan mong lagi kang magtatagumpay sa lahat ng iyong mga ninanais.
Sabi ng kanyang mga Salita, “kung ang Diyos ang panig satin, sino pa ang makakalaban satin.
DAHIL SA LAYUNIN NG DIYOS KAYA KA HINUBOG
Bagay na dapat gawin ay
Ang pagtanggap sa kanyang kakayahan na ibinigay ng Diyos, kaya hindi mo ito dapat ikagalit o tanggihan. Sa halip na baguhin ang sarili,ipagdiwang mo ang kakayahan na bigay ng Diyos sayo.
Bahagi ng pagtanggap sa iyong kakayahan ay ang pagkilala sa iyong mga limitasyon. Walang sinuman ang magaling sa lahat ng bagay, at walang sinuman ang pinagkalooban upang gawin ang lahat ng bagay.
Tayong lahat ay may nakatakdang mga papel sa buhay, tulad mo ngayon anu man ang iyong ginagawa ay dahil sa iyong papel na ginagampanan.
Kaya’t lagi nating ipukol sa Diyos ang lahat ng ating mga kakayahan sapagkat siya lang ang tanging nakakaalam lahat ng ating mga limitasyon.
Nais ng Diyos na masiyahan ka sa paggamit ng kakayahan na ibinigay sayo ng Diyos.
Isang magandang pagninilay at gabay mula kay
† Pastor Anthony Mabini
OFWs Spiritual Guidance Councilor
Para sa karagdagang impormasyon maari po bisitahin ang kanyang Facebook Page Account https://www.facebook.com/OFWsSpiritualGuidanceCouncilor