PAGBABALANSE NG IYONG BUHAY
“Kaya’t ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayo tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang.”
(Efeso 5:15)
Pinagpala ang mga taong balanse. Higit na tatagal ang kanilang buhay kaysa kaninuman. Ang buhay ng tao ay may mga bagay na dapat mapanatiling balanse.
(Halimbawa)
»Bilang isang mamamayan kailangan mong mapanatiling balanse ang iyong oras para sa iyong Pamilya, alam mo ang limitasyon sa paggawa sa araw-araw at ganon din sa Pamilya mo.
Maraming indibiwal ang napapariwara sa buhay dahilan sa walang tamang balanse. Tulad ng pansariling kagustuhan at mga bagay na naka’aagaw atensyon, Na humahantong sa pagkasira ng Pamilya.
Ang Diyos ay may pangako sa lahat ng mga nag-nanais na maging maayos ang buhay o maging balanse.
Layon niya sa atin ay ang mamuhay ng tulad ng mga matatalino at di tulad ng mga mangmang. Tayo ay kanyang tinuturuan para maging mga ulirang mamamayan.
Hindi madali ang pagbabalanse lalo’t saganang sarili lamang, kadalasan ay mas ibinubuhos natin ang ating lakas sa mga layuning pinahahalagahan natin, habang napapabayaan naman ang iba.
Bagay na dapat nating maunawaan na kapag ipinagkatiwala sa Diyos ang bagay na ito, matitiyak natin na hindi tayo mapapariwara.
BIGYAN MO ANG SARILI NG ISANG REGULAR NA PAGSUSURING ESPIRITUAL
Ang pinakamainam na paraan para ma-balanse ang buhay mo ay ang regular na pagsusuri ng iyong sarili. Mahalaga sa Diyos na makaugalian mo ang pagsusuring ito.
Suriin nating mabuti ang ating espiritual na kalusugan.
SABI NG BIBLIA
“Tiyakin ninyong mabuti kung kayo’y namumuhay ayon sa pananampalataya subukin ninyo ang inyong sarili.”(2-Cor. 13:5)
Isang magandang pagninilay at gabay mula kay
† Pastor Anthony Mabini
OFWs Spiritual Guidance Councilor
Para sa karagdagang impormasyon maari po bisitahin ang kanyang Facebook Page Account https://www.facebook.com/OFWsSpiritualGuidanceCouncilor