Ang lahat ay Nagsisimula sa Diyos.

(Colosas 1:16) “Sapagkat ang lahat ng nasa langit at nasa lupa, nakikita man o hindi, pati ang mga naghahari at namamahala, mga namumuno at may kapangyarihang espirituwal ay pawang niliikha ng Diyos sa pamamagitan niya at para sa kanya.”

Sabi ni.. (Bertrand Russel, ateista)

“Hanggat ayaw mong isiping may Diyos, walang saysay ang magtanong ka tungkol sa layunin ng buhay.”

Pasimula: Ang layunin ng buhay mo ay higit pa sa katuparan ng iyong pansariling mga plano. Kung gusto mong malaman kung bakit ka inilagay ng Diyos sa planetang ito.

KAILANGAN MONG MAGSIMULA SA DIYOS

Katotohanan = Ikaw ay isinilang sa pamamagitan ng kanyang layunin.

=> itoy isang malaking palaisipan sa marami, madalas kasi tayong mag umpisa sa maling lugar o pagkakataon.● May mga pansariling pang agam-agam ang marami.

HALIMBAWA..
● Anu ba ang gusto kong maging?
● Anu ba ang Dapat kong gawin?
● Anu ba ang aking mga hangarin?
● Mga pangarap at mga Ambisyon

=> Kung ang konsentrasyon natin ay nakabatay lamang sa ating mga pansariling pananaw, hindi natin ito matatagpuan.

ANG SABI NG BIBLIA..


” Ang Diyos ang nagpapalakad sa lahat ng bagay, ang buhay ng bawat isa ay hawak ng kanyang Kamay.”
 (Job 12:10)

=> Kayat ang katotohan ay hindi nating kayang imaneho ang buhay natin saganang sarili lamang.
Gayundin naman hindi mo mararating ang layunin ng buhay mo kapag nagsimula ka sa sarili mo. Dapat kang magsimula sa Diyos, ang iyong Tagapaglikha.

Nabubuhay ka or tayo dahil sa kagustuhan ng Diyos.Nilikha niya tayo sapagkat tayo’y sa kanya.

KATOTOHANAN DAPAT MALAMAN..

● Ang katotohanan ng buhay natin ay tungkol sa pagpapaubaya mong gamitin ka ng Diyos para sa mga layunin Niya. Hindi ang gamitin mo siya para sa mga pansariling mga layunin.

ANG SABI NG BIBLIYA..

“Ang pagkahumaling sa mga bagay ukol sa laman ay magbubulid sa kamatayan, ngunit ang pagsisikap sa mga bagay na ukol sa espiritu ay magbubunga ng buhay at kapayapaan.”(Roma 8:6)

PAANO MO NGAYON MATUTUKLASAN ANG DAHILAN NG IYONG PAGKAKALIKHA?

=>Para malaman natin ang kahulugan at layunin ng buhay..ito ay

●Paghahayag o (Revelation)
●)Maaari tayong sumangguni sa Salita ng Diyos upang malaman natin kung ano ang kanyang naipahayag patungkol sa buhay. Ang pinakamadaling paraan para malaman ang isang imbensiyon ay ang magtanong sa imbentor nito. Gayundin sa pagtuklas sa layunin ng iyong buhay:Itanong mo sa Diyos. Hindi tayo iniwan ng Diyos sa dilim para mangapa o manghula, sa pamamagitan ng BIBLIA.

ANG SABI NG BIBLIA..

“Sa kanya ay tumanggap din tayo ng mana, na itinalaga nang una pa ayon sa layunin niya na gumawa ng lahat ng mga bagay ayon sa kanyang pasiya at kalooban.” (Efeso 1:11)

Ang talatang ito ay nagbibigay sa atin ng tatlong mahahalagang prinsipyo tungkol sa layunin ng ating buhay.

1.) Pagkakaruon ng Relasyon kay Jesu-Christo.
2.) Bago mo pa naisip ang Diyos, matagal ka na niyang iniisip.
3.) Ang layunin ng buhay mo ay bahagi ng isang mas malaking pansansinukob na layuning itinalaga ng Diyos para sa kawalang hanggan o (ETERNITY.)

 

Isang magandang pagninilay at gabay mula kay
† Pastor Anthony  Mabini
OFWs Spiritual Guidance Councilor

Para sa karagdagang impormasyon maari po bisitahin ang kanyang Facebook Page Account https://www.facebook.com/OFWsSpiritualGuidanceCouncilor