Taiwan (August 12, 2021)- Update hinggil sa bilang ng COVID-19 ngayong araw kung saan ang bansang Taiwan ay nagtala ng 6 na bagong kaso, base sa bagong datus na inilabas ng Central Epidemic Command Center (CECC).
Ayon kay Health Minister at CECC Head Chen Shizhong, mula Agosto 4 hanggang Agosto 9, ay nagtala ang bansa ng 4 na lokal na kaso kung saan ay 3 ang lalaki at 1 namang babae na nasa edad 20 hanggang 50. At ngayong araw rin ay nagtala ng 2 imported na kaso at isa naman ang naitalang namatay.
Naitala ang mga bagong kaso sa Taipei City kung saan 3 ang naitala, at isa naman sa New Taipei City. At sa apat na kaso 2 lang ang natukoy ang pinagmulan at dalawa naman ay hindi pa matukoy kung saan nahawa ang pasyente.
Ayon sa Command Center, nasa 13,121 na ang kabuang bilang mula sa 14,599 na may kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang nakalabas na sa mga quarantine facilities o tinatayang nasa 89.9% na na sa kabuuang bilang ang nakalabas na sa mga pasilidad.