AUSTRIA (May 23,2021)- Sa kasamang palad, isang matandang pasyente ang naputulan ng dalawang paa dahil pagkakamali ng isang Ospital sa Austria. Matapos maling paa ang unang naputol.
Ang trahedyang nangyari ay isang “human error”, ito ay ayun sa pahayag ng Freistadt Clinic.
Dahil sa katandaan ng naturang pasyente na nasa edad 82-anyos ay nagkaroon na ito ng maraming karamdaman sa katawan at nagkaroon na ng komplekasyon sa isang paa nito kung kuya dapat na itong putulin.
“We are deeply shocked that on Tuesday, May 18, despite quality assurance standards, the wrong leg of an 82-year old man … was amputated,” ayon sa pagamutan.
Lumitaw na nangyari ang “trahedya” nang maling paa ang mamarkahan na dapat na puputulin.
“Unfortunately the mistake, in which the right leg was removed instead of the left, occurred as a result of a sequence of unfortunate circumstances,” ayon sa pagamutan, na nagsabing sinisiyasat na ang insidente at rerepasuhin nila ang kanilang patakaran.
Dahil sa nangyaring aksidente ang naturang ospital ay nag alok ng psychological assistance at kailangan na muling sumailalim sa operasyon para putulin ang paa na dapat talagang alisin.