Manila, Philippines (May 23, 2021)- Maraming pamilyang mahihirap ng NBBS Kaunlaran sa Navotas City ang nabigyan ng pagkain kahapon dahil sa community pantry na inorganisa mismo ni Idol Raffy Tulfo.

Dahil sa nararanasang epekto ng pandemya sa Covid-19 ay mas lalong naghihirap ang maraming Pilipino kung kaya’t umaasa sila mga tulong tilad ng mga community pantry. Nasa 100 tao lang kada batch ang pinapayagang pumila para masiguro ang physical distancing sa lugar. May nakabantay din na mga pulis at medical team kung may emergency.

Iikot sa iba’t ibang barangay ang team ng Raffy Tulfo in Action hanggang Martes para magtayo ng community¬† pantries.

Photo courtesy of NEWS 5

(News 5 photos)