Manila, Philippines (May 23, 2021)- Isang babae na nakatira sa Sto. Tomas, Batangas ang inaresto kahapon matapos umano’y mag-hired ito ng isang gunmen upang patayin ang kanyang ka live-in partner na hinihinalaang minomolestiya ang kanyang anak na babae.

Nakilala ang biktima na si  Teddy Villegas , 48 taong gulang na live-in partner ng suspek.

“Ayun sa suspek, kaya niya nagawa ‘yun dahil allegedly, ito si Teddy, ang biktima, minomelestya ‘yung kaniyang step-daughter,” ayun kay Police Lieutenant Colonel Armie Agbuya, Santo Tomas Police

Ayon sa ginang, nahuli niyang patagong kinukunan ng picture ng live-in partner ang anak na babae habang natutulog. At mayroon siyang ebidensya tungkol dito.

“’Yun ang aking naisip kasi hindi ko alam kung saan ba ako tatakbo. Alam kong mali, pero huli na. Kaya ako’y, nagsisisi naman ako,”

Apat katao ang nadakip sa krimen, dalawang gunmen na nagturo sa utak ng pagpatay at ang suspek mismo.  At dalawa pang tao na naging middlemen sa pagpatay.

Ang mga nasabing suspek ay nasa kulungan na at mahaharap sa kasong murder.