Taiwan (July 5, 2021)- Magandang balita ang hatid ng Central Epidemic Command Center (CECC) ng bansang Taiwan, dahil ngayong araw ay nagtala lamang ng 28 na mga local case ang bansa base bagong datus na inilabas ngayong hapon.
Ayon kay Health Minister at CECC Head Chen Shizhong, nagtala ang bansa ng 28 local case at 3 naman ay imported case. At isang ang naitalang namatay.
Naitala ang mga bagong kaso sa Taipei City 15 na kaso, sinundan ng New Taipei City na may 5 kaso, Taouyan City na may 3, Miaoli County naman ay 2 kaso, at mga lugar ng Hsinchu County, Keelung City, Pingtung County ay nagtala ang tig-isang kaso.
Samantala sa Kabuuang datus ng CECC ay pumalo na sa 15,061 ang mga nagpositibo kung saan nasa 1,187 ay imported case at nasa 13,821 naman ang local case. At kabuuang bilang namatay sa dahil sa COVID-19 ay pumalo nasa 689 katao.
Matatandaang kahapon ay nagtala na lamang ang bansa ng 37 na lokal na kaso, at makikita sa kanilang datus na patuloy ang pagbaba ng mga magkakaroon ng COVID-19 sa bansa. Kaya marami ang umaasa sa na July 12 ay ibaiba na ang alert level 3 sa bansa.