Taiwan (July 1, 2021)- Magandang balita para sa bansang Taiwan dahil tuloy-tuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa habang papalapit ag Hulyo 12 na itinakda ng kanilang COVID-19 Alert Level 3. Sa bagong labas na datus ng Central Epidemic Command Center (CECC) ay nagtala lamang ng 47 na mga lokal na kaso.

Ayon sa ahensya, ngayong araw ay nagtala ng 47 na lokal na kaso, 3 imported case at nasa 13 naman ang naitala.

Nangunguna pa rin ang New Taipei City na may mataas kaso kung saan ngayong araw ay nasa 20 ang naitalang kaso, na sinundan naman Taipei City na may 18 na kaso, Taoyuan City na may 5 kaso, Kaoshiung City ay 2 kaso, at tag-isa naman ang naitala ng Hsinchu County at Hsinchu City.