Taiwan (June 2, 2021)- Kaso ng COVID-19 sa Miaoli County tumaas matapos magkaroon ng 12 bagong kaso ng COVID-19.
Ayon sa ulat ang mga bagong kaso ng COVID-19 ay mula sa kumpanya ng King Yuan Electronics Co. Ltd. (KYEC). Bukas ay nakatakdang magkaroon ng mandatory swab test ang lahat ng empleyado ng KYEC upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa.
Ngayong araw ay nagtala ang Taiwan 549 na bagong kaso kasama ang backlog at 12 na patay. Ayon sa Central Epidemic Command Center (CECC).
Naitala ang maraming kaso sa New Taipei City na may 310 local cases, Taipei City naman ay 152 cases, Taoyuan City 28 cases, Keelung City 18 cases. At ang Miaoli County naman ay biglang tumaas ang bilang kung saan nagtala ng 12 na mga bagong kaso, sinundan ng Changhua County na may 10 cases, Kaohsiung 5 cases, Taitung County 4 cases, Taichung City 3 cases, at tig-dalawa naman ang naitala sa mga lugar ng Hsinchu County at Tainan City. Samantala tig-isa naman ang naitala sa Hsinchu City, Nantou County, at Hualien County.
Sa kabuuan ay umabot na sa 9,389 ang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa. Kung saan 8,195 ay local case at 1,141 naman ay imported case, 36 mula sa Dunmu fleet, 2 mula sa Aircraft infection, 1 Unknown, at 14 under investigation.
Samantala kabuuang bilang ng namatay dahil sa COVID-19 umabot na sa 149 ayon sa CECC.