Taipei, Taiwan (Mayo 20, 2021)- Ngayong araw ng Huwebes nagtala ang bansang Taiwan ng 295 na mga bagong kaso ng COVID-19 ayon sa Central Epidemic Command Center (CECC).

Ayon sa CECC, nasa 286 ang naitalang local case at 9 naman na mga imported at isa ang nasawi.

Naitala ang mga bagong kaso sa mga lugar ng New Taipei City 157, Taipe City 87, Taoyuan 17, Yilan County 8, Changhua County 6, Keelung City 5, Kaohsiung City 2, Taichung City 2, Hsinchu City 1, at Yunlin County 1.

Sa ngayon ay umabot na sa 2,825 na kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan 1,103 ang imported at 1,669 ay local case. At isa “unknown” at 14 under investigation pa. Nasa 14 ang kabuuang kumpirmadong nasawi.