Taipei, Taiwan (Mayo 21, 2021)- Kabuuang kaso ng COVID-19 sa Taiwan pumalo na 3,139 ayon sa datus ng Central Epidemic Command Center.

Ngayong araw ng Biyernes, nagtala ng 312 na mga bagong local na kaso ng COVID-19. At 3 naman ay imported case mula sa mga bansang Pilipinas, Estados Unidos, at Canada.

Samantala sa Local case naman ay naitala sa New Taipei City 144, Taipei City 127, Taoyuan City 13, Keelung City 9, Taichung City 9, Changhua County 9, Kaohsiung City 4, Yilan County 2, Pingtung County 1, Nantou County 1, at Yunlin 1.

Sa Kabuuan ay umabot na sa 3,139 ang mga nagpositibo sa COVID-19 sa Taiwan at 1,106 ay naitalang mga imported case at 1,980 naman ay mga local case ayon sa CECC.