Taiwan (May 30, 2021)- Huli ang isang Vietnamese na nagbebenta umano ng aliw ang hinuli sa inisagawang raid ng mga pulis sa Kaohsiung City kahapon ng gabi.
Nakilala ang suspek sa apelyidong Nguyen na nasa edad 50 at may hawak lamang na tourist visa lamang. Napag-alaman ng mga awtoridad na dumating si Nguyen sa bansa noong nakaraang Oktubre kung saan ang kanyang huling destinasyon ay mula pa sa China. Ngunit napag-alamang paso na ang kanyang bisa noong Enero pa ngunit ito’y hindi umuwi sa Vietnam.
Ayon sa imbestigasyon ang suspek ay nangupahan ng isang kwarto sa Haibin Road sa Kaohsiung City. Kung saan dun rin sa kwartong iyon ginagawa ang kanyang mga transaksyon ayon sa mga nakakakita dahil ibat-ibang lalaki daw ang pumapasok sa naturang kwarto. Kumukuha umano ang suspek ng mga customer sa pamamagitan online.
Naabutan pa ng mga pulis na nakapanty lang ang suspek at ang isang lalaking customer na nagngangalang Lin, kung saan sinabi niya sa mga awtoridad na sa halagang NT$1,700 ay nagkasundo na sila sa pamamagitan ng pakikipagrantranksyon gamit ang Line.
Sa ngayon ay nahaharap ang suspek sa patong-patong na kaso, lalo na sa paglabag rin sa Social order maintenance at Infectious Disease Prevention and Control Law.