Taiwan (May 31, 2021)- Puyat ang mga tenants ng isang dorm sa Chunan Township matapos palabasin ang lahat ng hating gabi kagabi upang isailalim sa disinfection ang buong dormitory.

Ayon sa source, ginawa ang disinfection matapos umanong makaranas ang ilang pinoy ng sintomas ng COVID-19. Sa ngayon ay hinihintay pa ang resulta ng PCR test ng mga nasabing Pinoy.

Samantala, pansamantalang walang pasok ang production ng apektadong department lamang habang hinintay pa ang resulta ng swab test.

Kasalukuyan namang naka-quarantine na sa Zaoqiao Township, Mioali County ang mga suspected patient. At nasa quarantine na rin ang mga nakasalamuha ng mga suspected ng COVID-19.