Taiwan (June 16, 2021)- Kinumpirma ng pamunuan ng Innolux na meron naitalang kaso ng COVID-19 ang kumpanya kung saan nagsagawa umano ito ng PCR test nitong Lunes. Ayon sa local news na Taiwan News

Ayon sa pamunuan, nasa 6 katao ang umano ang inilagay sa quarantine kung saan nagkaroon ng direct contact sa nagpositive. Samantala isasailalim naman sa PCR test ang mga nakatira sa dormitoryo kung saan may nagpositibo. Ayon naman sa kumpanya, sa kabila ng pagkakaroon ng positibo ay hindi naman apektado ang production ng kanilang mga planta.

Matatandaang kahapon ay nasa 18 ang mga bagong nagpositibo sa COVID-19 sa Miaoli County ayon sa pahayag ni Health Minister at Central Epidemic Command Center head Chen Shih-chung (陳時中). At nasa anim na mga kumpanya ang sasailalim sa pagsusuri kung saan tinatayang nasa 1,425 na mga empleyado.