Taiwan (June 15, 2021)- Good news, dahil tatlong araw na mababa ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansang Taiwan. Ngayong araw ay nagtala lamang 132 na mga bagong kaso, mas mababa kaysa sa mga nakalipas na linggo base sa datus na inilabas ngayong araw ng Central Epidemic Command Center (CECC).

Ayon sa ahensya ngayong araw ay nasa 132 lamang ang naitala at 3 rin na imported case ang naitala. Samantala bilang ng namatay ngayong araw ay nasa 8 lamang.

Naitala pa rin ang mga bagong kaso sa New Taipei City na meron 65 cases, sa Taipei City naman ay 26 cases, Miaoli County ay 26 cases, Taoyuan City ay 12 cases, at Keelung City 3 cases. Ang Tainan City, at Hualien County ay nagtala ng tig-dalawang kaso. Samantala ang Chiayi County at Changhua County ay nagtala ng tig-isang kaso.