Taiwan (June 25, 2021)- Magandang balita, muling bumaba ang naitalang kaso ng COVID-19 ngayon sa bansang Taiwan kumpara kahapon. Ngayong araw ay nagtala lamang ng 76 na mga bagong kaso base sa datus na inilabas ng Central Epidemic Command Center (CECC).
Ayong kay Health Minister at CECC Head Chen Shizhong, nasa 76 ang bagong kaso at pawang lokal na kaso. At nasa 5 naman ang naitalang namatay.
Naitala ang mga bagong kaso sa mga lugar ng New Taipei City kung saan 32 ang nagpositibo, sa Taipei City naman ay 20 kaso, Taoyuan City naman ay 10 kaso, Hsinchu County nagtala ng 4 na kaso, Miaoli County ay 3 kaso, Changhua County at Kaohsiung City ay nagtala ng tig-dalawang kaso. At ang Yilan County, Keelung City at Taichung City ay tig-isang kaso.
Sa kabuuang datus ng CECC ay pumalo na sa 14,465 kung saan 1,167 ay pawang imported na kaso at nasa 13,245 ay mga local cases. Samantala kabuuang bilang ng namatay dahil sa COVID-19 pumalo na sa 610 katao.